Taguig City Mayor Lino Cayetano nagpositibo sa COVID-19

Photo credit: Lino Cayetano/Facebook

Nagpositibo sa COVID-19 antigen test si Taguig City Mayor Lino Cayetano.

Ibinahagi ni Cayetano sa ibang opisyal ng lungsod na nakakaranas siya ng mild symptoms ng sakit, ngunit tiniyak niya na patuloy siyang magtatrabaho kahit naka-isolate.

Inatasan niya ang mga opisyal na tiyaking patuloy na makakapaghatid ng maayos na serbisyo, kasama na ang istriktong pagpapatupad ng basic health protocols.

“Our focus during this period will be taking care of our citizens by capacitating them with a deeper understanding of the virus and how to manage cases including access to all our services like testing, telemedicine, delivery of medicine and vaccination,” sabi pa nito.

Dagdag pa ni Cayetano, itutuloy din nila ang mga nasimulang hakbang patungo sa ‘new normal.’

“Moving from pandemic to endemic, making the virus endemic, getting used to living with it is up to us, on how fast we act and adjust. Government must lead in this transition,”aniya.

Read more...