COVID-19 vaccination site sa Manila Zoo bubuksan na para sa mga nakatatanda, menor de edad

Screengrab from Mayor Isko Moreno Domagoso’s Facebook video

Bubuksan na ang Manila Zoo para sa pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga nakatatanda at menor de edad.

Sa Facebook, inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na bubuksan ang vaccination site sa Manila Zoo simula sa araw ng Miyerkules, January 19.

Maaring magpabakuna ang mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. Pwede ring makatanggap ng booster shot ang mga magulang o guardian, at maging ang mga senior citizen.

Magiging bukas ang vaccination site sa Manila Zoo simula 8:00 ng umaga hanggang 8:00 ng gabi.

Aabot sa 1,000 indibiduwal ang maa-accommodate nito kada araw at maaring makakuha ng libreng ticket sa www.manilazoo.ph.

Read more...