Hirit na pagpapalawak ng face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Level 2 pababa, aprubado na

By Chona Yu January 18, 2022 - 03:25 PM

Manila PIO photo

Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit ng Department of Education (DepEd) na palawakin pa ang face-to-face classes sa mga lugar na nasa Alert Level 1 at 2 o mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting Presidential spokesman Karlo Nograles, agad na sinang-ayunan ng Pangulo ang hiling ni Education Secretary Leonor Briones na pagpapalawig ng limited face-to- face classes sa Pebrero.

Ipagpapatuloy aniya ng DepEd ang kanilang pag-aaral sa pagpapalawig na ito, kung saan magiging katuwang ng tanggapan ang Department of Health (DOH), na tutulong sa pag-assess sa sitwasyon on ground.

Bukod dito, subject pa rin naman aniya ito sa suporta ng lokal na pamahalaan na nakakasakop sa mga paaralan, pagpayag ng mga magulang ng mga magaaral, at sa stakeholders ng pamahalaan.

Matatandaang una na ring tiniyak ni Secretary Briones na sila sa DepEd ay patuloy na naga-adjust sa mga ipinatutupad na polisiya sa gitna ng pandemiya at banta ng Omicron variant, upang masiguro ang kaligtasan ng mga guro, personnel, at mga mag-aaral.

TAGS: deped, face-to-face classes, InquirerNews, KarloNograles, LeonorBriones, RadyoInquirerNews, deped, face-to-face classes, InquirerNews, KarloNograles, LeonorBriones, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.