Halaga ng pinsala sa agrikultura dahil sa #OdettePH, tumaas pa

Tumaas pa ang halaga ng natamong pinsala sa agrikultura bunsod ng bagyong Odette.

Ayon sa Department of Agriculture (DA), base sa datos hanggang 8:00, Martes ng umaga (January 18), umabot na sa 13.3 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura sa CALABARZON, Mimaropa, Bicol, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao, SOCCSKSARGEN, at Caraga.

Kabilang sa mga nasira ang bigas, mais, high value crops, coconut, sugarcane, abaca, livestock, at fisheries.

Aabot sa 273,062 metriko tonelada ang volume ng production loss sa 462,766 ektaryang agricultural areas.

Nasa 533,709 mangingisda at magsasaka naman ang naapektuhan ng nagdaang bagyo.

Nagbigay naman ng tulong ang kagawaran sa mga magsasaka at mangingisda.

Read more...