Nanawagan ng hustisya si Senator Leila de Lima para sa dalawang miyembro ng Anakpawis, isang grupo ng mga magsasaka, sa Sorsogon noong nakaraang Sabado.
“Kasama ako ng Anakpawis at ng human rights community sa panawagan na mabigyan ng hustisya sina Silvestre Fortades Jr., at Rose Marie Galias,” pahayag ni de Lima.
Pinagbabaril ang dalawa alas-7 ng umaga sa Barangay San Vicente sa bayan ng Barcelona, base sa ulat ng pulisya.
“Ano na naman ang kasalanan ng mag-asawang nagtitinda lamang ng bawang at sibuyas noong sila ay patayin? Paulit-ulit na lang na para bang hinihintay tayong masanay hanggang maging normal na sa atin ang mga ganitong karumal-dumal na paglabag sa karapatang pantao,” himutok ng senadora.
Binanggit nito na sina Fortades at Galias ay ang pang-12 mag-asawang magsasaka na pinatay sa ilalim ng administrasyong-Duterte.
Isang linggo bago ang insidente, isang dating rebelde ang pinatay din sa nabanggit na bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.