Aabot sa 540 na lugar sa ibat-ibang bahagi ng bansa ang nasa granular lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Sa Talk to the People, iniulat ni Interior Secretary Eduardo Año kay Pangulong Rodrigo Duterte na 60 sa mga lugar ang nasa Metro Manila, 143 sa Cordillera Administrative Region, 123 sa Ilocos Region, 191 sa Cagayan Valley, at 23 sa Mimaropa.
Nasa 707 na bahay aniya o 1,482 katao ang apektado sa granular lockdown.
Ipinatupad ang granular lockdown para malimitahan ang paggalaw ng mga tao at maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES