Panukalang pagbuo sa Metropolitan Davao Development Authority aprub sa Senado
Sang-ayon ang lahat ng Senador sa pagbuo ng Metropolitan Davao Development Authority (MDDA) kayat nakalusot na sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang-batas ukol dito.
Sa ilalim ng House Bill No. 8390, may hurisdiksyon ang MDDA sa Davao City at sa mga lungsod ng Panabo, Tagum, Island Garden City of Samal (IGACoS) sa Davao del Norte; sa Digos City sa Davao del Sur; sa Mati City sa Davao Oriental; at mga bayan ng Sta. Cruz, Hagonoy, Padada, Malalag at Sulop sa Davao del Sur, Carmen sa Davao del Norte, Maco sa Davao de Oro, at Malita at Sta. Maria sa Davao Occidental.
Bunga nito, pinasalamatan ni Sen. Francis Tolentino, ang sponsor ng panukala, ang mga kapwa senador at tinanggap ang konsepto ng pagbuo ng MDDA.
“The establishment of MDDA will institutionalize the rapid urbanization of Davao region through strategic and viable reforms primarily towards regional cooperation and economic growth. By agglomerating major cities and municipalities of the region, MDDA will further liberalize LGUs (local government units) within its jurisdiction from their dependence upon the national government and promote a sustained and all-inclusive decentralization in the region,” sabi ni Tolentino.
Bahagi ng mandato ng MDDA ang mga serbisyo ng development planning, transport management, solid waste disposal and management, flood control and sewerage management, urban renewal, zoning, land use planning and shelter services; health and sanitation, urban protection, and pollution control; at public safety.
Bubuo din ng Metropolitan Davao Police District, na mangangasiwa sa lahat ng operasyon ng mga pulisya sa mga nabanggit na bayan at lungsod.
Naging co-sponsors naman ng panukala sina Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sens. Ronald dela Rosa, Christopher Go, at Joel Villanueva.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.