Panukalang batas para kontra abono ng delivery riders lusot sa Senado

By Jan Escosio January 17, 2022 - 06:17 PM

Naaprubahan na sa pangatlo at pinal na pagbasa sa Senado ang panukalang-batas na magbibigay proteksyon sa mga delivery riders mula sa mga kinanselang orders.

Iniakda nina Majority Leader Migz Zubiri, Koko Pimentel, Lito Lapid at Joel Villanueva ang ang Senate Bill No, 2302 o ang An Act Providing Measures to Protect Individuals Engaged in Food, Grocery and Pharmacy Delivery Services.

Partikular na proteksyon sa pag-aabono ang ibinibigay ng naturang panukalang batas.

Binibigyan proteksyon din sa panukala ang publiko mula naman sa mga pekeng delivery bookings at ang gagawa nito ay maaring maharap sa kasong kriminal.

Ayon kay Pimentel, ang sponsor ng panukala, lumubo ang mga  insidente ng fake bookings at hoax orders ngayon pandemya kayat kinakailangan ng proteksyon sa mga riders gayundin sa mga konsyumer.

Ipagbabawal din sa batas ang ‘pasabuy,’ kung saan ang rider ang magbabayad muna ng mga bagay na ipinabibili ng kliyente

“If this bill is passed into law, that arrangement of the driver or rider advancing the money to fulfill an online order shall no longer be allowed,” diin ni Pimentel.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.