Pangulong Duterte binigyang bagong sigla ang Philippine Veterans Bank

By Jan Escosio January 17, 2022 - 05:59 PM

Magsisimula ng bagong kabanata ang Philippine Veterans Bank (PVB) sa pagpirma sa Republic Act 11597.

Nakasaad sa Philippine Veterans Bank Act, madadagdagan ang kapitalisasyon ng bangko bukod pa sa magiging shareholders na ang mga beterano ng World War, bukod pa sa magiging prayoridad na sila at kanilang pamilya.

Magiging epektibo ang RA 11597 sa darating na Enero 21.

Sa naturang petsa, aakyat sa P10 bilyon ang P100 milyong kapitalisasyon ng bangko kayat makakapag-alok ito ng karagdagang stocks at magiging 15 na ang bubuo sa Board of Directors mula sa 11.

Sa pagbabago ng charter ng PVB, ikukunsidera na rin ‘beterano’ ang mga retirado ng AFP at mapapanatili naman nito ang status na government depository bank kayat maari itong tumanggap ng deposito mula sa mga ahensiya ng gobyerno, LGUs at government corporations.

“On behalf of PVB’s Board of Directors, employees and staff, I would like to give our thanks to President Rodrigo Duterte for signing the “Philippine Veterans Bank Act” into law demonstrating once again his strong support of the veterans community for which veterans extend their gratitude,” sabi ni PVB Chairman Roberto F. de Ocampo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.