“No vaccination, no ride” policy layong protektahan ang publiko – DOTr

By Angellic Jordan January 13, 2022 - 04:23 PM

DOTr Facebook photo

Iginiit ng Department of Transportation (DOTr) na layon ng “no vaccination, no ride” policy na magbigay ng proteksyon sa lahat, bakunado man o hindi, kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“The policy is for the benefit of the majority and the common good,” pahayag ng kagawaran.

Ayon sa DOTr, tataas ang mga kaso ng severe COVID-19 infection sa mga ospital bunsod ng non-vaccination.

“The World Health Organization (WHO) has been very CLEAR: “while Omicron causes less severe disease than Delta, it remains a dangerous virus, particularly for those who are unvaccinated.” saad nito.

Kung tumaas ang bilang ng public transport personnel na maaapektuhan ng virus, maaring magpatupad ng panibagong shutdown sa MRT-3, LRT lines, at PNR.

“We are doing everything we can to maintain and keep our public transport operations safe and running. It will be a much heavy burden for commuters if we experience a repeat of public transport closures,” paliwanag pa nito.

Dagdag ng kagawaran, hindi nila nais na magsara ang mga negosyo dahil sa pagtaas ng COVID-19 cases.

Kung hindi kikilos, lahat anila ng industriya at negosyo ay matinding maaapektuhan.

Diin pa ng DOTr, “On those saying that the “no vaccination, no ride/entry” policy in public transport is anti-poor, draconian or punitive, we believe that it is more anti-poor and anti-life if we will not impose interventions that will prevent loss of life due to non-vaccinations. WE DO NOT DISCRIMINATE AGAINST THE UNVACCINATED, BUT WE ARE PROTECTING THEM.”

Sagot naman nito sa mga nagkukwestiyon sa legal na basehan ng polisya, naglabas ang Metro Manila ng resolusyon patungkol sa mga panuntunan sa mga hindi bakunadong indibiduwal. Aprubado ang naturang reolusyon ng lahat ng Metro Manila mayors, Metro Manila Development Authority (MMDA) at suportado ng IATF.

Dagdag nito, “To be clear, there is NO directive to prohibit travel. Unvaccinated individuals are allowed to travel by using other means aside from public transport.”

Humingi naman ng paumanhin ang DOTr sa maidudulot nitong abala sa mga commuter.

Epektibo ang naturang polisya sa mga lugar na nakasailalim sa Alert Level 3 o mas mataas.

TAGS: dotr, InquirerNews, NoVaxNoRide, RadyoInquirerNews, dotr, InquirerNews, NoVaxNoRide, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.