Ilang empleyado ng CAAP sibak dahil sa droga

shabu
Inquirer file photo

Sinibak sa trabaho ang pitong tauhan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) makaraan silang mag-positibo sa paggamit ng iligal na droga partikular na ng shabu.

Pawang mga naka-assigned sa Zamboanga International Airport ang nasabing mga CAAP personnel na hindi na pinangalanan base sa kanilang inilabas na ulat.

Nauna nang sinabi ni CAAP Director-General William Hotchkiss na taon-taon silang nagsasagawa ng random drug testing sa kanilang 5,900 na mga tauhan na naka-kalat sa mga CAAP-managed airports.

Noong isang taon ay umabot sa sampung mga empleyado ng CAAP ang nsinibak dahil sa pag-gamit ng droga.

Kabilang sa mga ito ay nagmula sa mga paliparan sa Kalibo, Bacolod City, Ozamis, Masbate at Butuan.

Ipinaliwanag ni Hotchkiss na mahigpit silang sumusunod sa mga alituntunin sa paglaban ng pamahalaan sa iligal na droga base sa Dangerous Drugs Act at kautusan galing sa Civil Service Commission (CSC).

Read more...