Lalaki patay sa COVID 19, mga kapwa pasahero ng eroplano naka-quarantine

Isang araw matapos umuwi sa Batanes, namatay dahil sa COVID 19 ang isang 80 anyos na lalaki.

Nabatid na sakay ng isang biyahe ng Philippine Airlines (PAL) nakauwi sa Batanes mula Manila ang lalaki noong Sabado, Enero 15 at kahapon ay binawian na ito ng buhay.

Sinabi ni Batanes Health Officer, Dr. Allan Sande na agad na inilibing ang lalaki base sa protocols.

Nabatid na simula noong 2020, ang lalaki ang pang-anim na namatay dahil sa COVID 19 sa lalawigan.

Nabanggit din nito na ang halos 90 nakasabay ng lalaki sa eroplano ay nagsimula na sa kanilang 14-day quarantine base sa protocol ng Batanes Inter-Agency task Force.

Hindi rin isinasantabi ni Sande na maaring ang Omicron variant ang taglay ng namatay na lalaki bagamat aabutin ng ilang linggo bago ito malalaman base sa genomic test result.

 

Read more...