Rookie cop napatay ang misis, anak bago nag-suicide

By Jan Escosio January 17, 2022 - 12:00 PM

Napatay ng isang pulis ang kanyang mag-ina sa kanilang bahay sa Virac, Catanduanes noong nakaraang Sabado.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, binaril din ni Patrolman Jaymas Malasa ang sarili nang matauhan ito sa kanyang nagawa sa asawa at anak.

Bago ito, umuwi ng lasing si Malasa, na nakatalaga sa 2nd Provincial Mobile Force Company sa Catanduanes at nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo ng kanyang misis.

Sa kanilang pagtatalo, binaril ni Malasa ang kanyang asawa at tumagos ang bala na tumama din sa kanilang tatlong-taong gulang na anak.

Kasunod nito ay nagbaril na sa sarili ang pulis.

Bunga ng pangyayari, pinaalahanan ni PNP Chief Dionard Carlos ang mga pulis na palaging mag-ingat sa paghawak ng kanilang baril at aniya dapat ay magsilbing aral na ang sinapit ng bagitong pulis.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.