Naunsyami ang tangkang pagtakas ng diumanoy drug lord na si Kerwin Espinosa at dalawa pang detenido mula sa detention facility ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila.
Sinabi ni NBI OIC Eric Distor noong nakaraang Huwebes nakatanggap sila ng impormasyon ukol sa binabalak na pagtakas ni Espinosa at dalawa pang detenido sa pamamagitan ng butas sa exhaust fan sa kisame.
Pagsapit aniya ng gabi ng nabanggit na araw, sinuri ang selda nina Espinosa at napuna ang baliko na exhaust fan kayat nang suriin nila ay nadiskubre ang butas na gagamitin sa pagtakas.
Bunga nito, ipinag-utos ni Distor ang pagpapaghipt sa seguridad sa pasilidad at ang pagsasagawa ng regular na inspection sa mga selda.
Noong nakaraang Disyembre 17, ibinasura ng isang korte sa Makati City ang drug case ni Espinosa dahil sa kakulangan ng sapat at matibay na ebidensiya.
Nananatili naman sa kulungan si Espinosa dahil may mga kahalintulad itong kasong kinahaharap sa mga korte sa Maynila at Leyte.