Nakatakas kaninang madaling araw mula sa Maximum Security Compound ng National Bilibid Prison (NBP) ang tatlong preso.
Sinasabing ala-1:20 nang makatakas si Pacifico Villaruz, na nasentensiyahan sa kasong frustrated homicide at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at may nakabinbin pang kaso ng homicide.
Nakapuga din si Drakilou Yosores, na nasentensiyahan sa kasong robbery with homicide at may nakabinbing double murder case.
Gayundin si Arwin Bio na nasentensiyahan naman sa mga kasong murder at attempted murder.
Nakatakas sa kanilang selda ang tatlo sa pamamagitan nang paglagari sa rehas ng bintana, bago nila binarily ang duty guard sa Gate 4 at sa Gate 3 ay binarily din nila ang nagbabantay bago tumakas sa NBP Reservation Area.
Tatlong correctional officers at isang preso ang nasugatan sa insidente at sila ay pawang ginagamot ngayon sa Ospital ng Muntinlupa.