Presyo ng karne ng baboy sa Pilipinas mataas, nakadepende sa halaga ng pig feeds
Sinabi ni Senator Francis Pangilinan na kaya na mapababa ang presyo ng karne ng baboy kung magagawaan lang ng paraan ang taripa sa pig feeds.
Ayon kay Pangilinan kumpara sa ibang bansa sa China lubhang mataas ang presyo ng karne ng baboy sa bansa sa halagang P276.
Aniya sa Vietnam ay P125 kada kilo, P159 naman sa Thailand at sa China ay P205 at sa manok, P76 ang kada kilo sa Thailand, P125 sa Vietnam at P162 sa China, samantalang sa bansa ay P180.
“Kaya rin nating pababain ang presyo ng mga pagkain dahil nagawa na natin yan noon bilang Presidential Adviser on Food Security, specifically sa presyo ng bigas. Kailangan lang tutukan pareho ang production side at ang importation ng pagkain. Kailangan din walang smuggling,” dagdag nito.
Diin niya ang mataas na presyo ng mga pagkain sa bansa ang isa sa mga dahilan kayat maraming Filipino ang nagugutom.
“Yan ang dahilan kung bakit ginugutom ang marami sa ating kapwa Pilipino. Kaya nating pababain ang presyo ng pagkain,” dagdag pa ng vice presidential aspirant.
Mataas ang halaga ng mais na isa sa mga ginagamit para sa paggawa ng pagkain ng baboy.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.