One student, one gadget nais ni Sen. Manny Pacquiao

By Jan Escosio January 17, 2022 - 08:28 AM

 

Naniniwala si Senator Manny Pacquiao na sa edukasyon magpapantay ang mga mayayaman at mahihirap.

 

Isa ito sa mga dahilan kayat isusulong ng presidential aspirant ng Partido Promdi ang ‘one student, one gadget’ programa para magkaroon ng pantay na oportunidad ang lahat ng mga estudyante sa ‘new normal’ na sistema ng pag-aaral.

 

“Para hindi nila maranasan ang aking pinagdaanan,” ang hugot ni Pacquiao sa naiisip niyang programa.

 

Sinabi pa nito na kailangan din ikunsidera ang posibilidad na magpapatuloy pa ng matagal na panahon ang limited face-to-face classes kayat hinikayat niya ang DepEd at Commission on Human Rights na gumawa ng ‘long term plan’ sa pagkasa ng blended learning system.

 

Dapat din aniya tiyakin ng gobyerno na maibibigay ang lahat na kinakailangan na tulong ng mga mahihirap na estudyante.

 

Pagbabalik tanaw ni Pacquiao kinailangan niyang tumigil sa pag-aaral at magsanay bilang boksingero sa murang edad dahil sa kahirapan.

 

“Alam na alam ko ang pinagdaanan ng mga mahihirap nating kabataan na gustong mag-aral pero wala silang magawa dahil sa kahirapan. Diyan ako galing kaya gagawan ko talaga ng paraan para hindi nila mararanasan aking mga pinagdaanan,” aniya.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.