Karagdagang 37,153 COVID 19 cases naitala ng DOH

Ngayon araw ng Linggo, inanunsiyo ng Department of Health (DOH) na karagdagang 37,153 ang tinamaan ng COVID 19 sa bansa.

 

Bunga nito, 3,205, 396 na ang kabuuang bilang ng naitalang COVID 19 cases sa bansa simula noong 2020.

 

Kasabay nito, 30,037 naman ang gumaling sa sakit at may 50 ang namatay.

 

May 2,864,633 na ang gumaling sa sakit, samantalang lumubo sa 52,907 naman ang namatay.

 

Sa nakalipas na dalawang linggo, nangunguna pa rin ang Metro Manila sa may pinakamaraming naitalang mga bagong kaso sa 15,591 o 43 porsiyento, sinundan ng Calabarzon (8,384 o 23 porsiyento at Central Luzon (3,232 o siyam na porsiyento).

Read more...