Mayor Vico Sotto positibo sa COVID-19

By Chona Yu January 16, 2022 - 08:48 AM

Photo credit: Mayor Vico Sotto/Facebook

Positibo sa COVID-19 si Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa Facebook post ni Sotto, sinabi nito na nakararanas siya ngayon ng sore throats, lagnat at pananakit ng tiyan.

Gayunman, sinabi ni Sotto na walang dapat na ipag-alala ang publiko dahil maayos naman ang kanyang kalagayan.

Katunayan, sinabi ni Sotto na tuloy ang kanyang trabaho kahit nasa isolation ng pitong araw.

Matindin aniya ang pagkalat ng Omicron variant kung kaya dapat na mag-ingat ang lahat at palakasin ang resistensya.

Dapat aniyang maging responsable ang lahat at kung maari ay huwag munang lumabas.

 

TAGS: COVID-19, news, Pasig City Mayor Vico Sotto, Radyo Inquirer, COVID-19, news, Pasig City Mayor Vico Sotto, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.