PCG nakapagdala ng 15.3 tonelada ng relief goods sa El Nido, Palawan
Patuloy ang relief transport missions ng Philippine Coast Guard (PCG) sa mga lugar na apektado ng bagyong Odette.
Sa pamamagitan ng Task Force Kalinga, sinusuportahan ng ahensya ang pagbangon at rehabilitasyon ng mga probinsya sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga.
Sa araw ng Sabado, January 15, sakay ng BRP Malabrigo (MRRV-4402), naihatid ng mga tauhan ng PCG ang 15.3 tonelada ng relief goods at iba pang kinakailangang suplay sa bahagi ng San Fernando Wharf sa El Nido, Palawan.
Sa datos hanggang Biyernes, January 14, umabot na sa 1,487.3 na tonelada ng relief goods ang naibiyahe ng PCG vessels at air assets.
Napadala na rin ng PCGA aircraft at private vessels ang 709.5 na tonelada ng iba’t ibang suplay.
Dahil dito, nasa 2,196.8 na tonelada ng relief goods at critical supplies ang naibiyahe ng ahensya para sa rehabilitasyon ng iba’t ibang probinsya simula noong December 19, 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.