Serbisyo ng Converge sa bahagi ng San Antonio, Magallanes sa Makati City balik na

By Chona Yu January 15, 2022 - 03:51 PM
Photo credit: Converge ICT Solutions Inc./Facebook

Balik na ang serbisyo ng Converge sa San Antonio at Magallanes sa Makati City, makaraang maapektuhan ng fiber cuts bunsod ng ginagawang paghuhukay sa kalsada ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Bandang 12:47 ng madaling-araw ng January 14 nang maputol ang serbisyo ng telco at naibalik din ito ng 7:00 ng gabi.

Daan-daang subscribers ng Converge ang naapektuhan ng naturang fiber cuts sa kahabaan ng Pasong Tamo matapos aksidenteng tamaan ng ginagawang paghuhukay ng DPWH ang kanilang optical fiber.

Agad namang nagtungo sa site ang teams ng Converge para sa agarang pagbabalik ng kanilang serbisyo.

TAGS: BUsiness, converge, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BUsiness, converge, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.