Breakdown ng boto noong gabi ng May 9 at madaling araw ng May 10, inilabas ng Comelec

May 9 9PM countInilabas ng Commission on Elections ang breakdown ng boto na dumating sa kanilang server noong alas 9:00 ng gabi ng May 9 at alas 3:00 ng madaling araw noong May 10.

Base sa table na inilabas ng Comelec, noong May 9, 9PM, nakasaad na lamang ng mahigit isang milyon si Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na may kabuuang boto na 11,185,759 kumpara sa kanyang mahigpit na katungggali sa pagka vice president na si Rep. Leni Robredo na mayroong 10,317, 237.

Sa nasabing oras kabuuang 67.21 percent na clustered precincts pa lamang ang natatangap ng Comelec server o nasa 62,171

Samantala, dakong alas 3:00 ng madaling araw noong May 10, nagsimula nang lumamang Rep. Robredo ng mahigit 30,000 boto kay Sen. Marcos.

Sa nasabing oras, mayroon nang 13,332, 605 na boto si Robredo kumpara sa senador na nakakuha ng 13, 316,459.

Sa nasabing panahon, 91.61 percent na mga boto ang natanggap ng Comelec main server.

Nauna na ng ibinunyag ng kampo ni Sen. Bongbong Marcos na may bagong computer command o hash code ang inilagay sa transparency server dakong 7:30 ng gabi noong mismong araw ng eleksyon kung saan lamang ang senador kay Robredo at matapos ito ay unti-unti ng bumaba ang lamang ni Marcos hanggang sa lumamang ang kongresista dakong alas 3:00 ng madaling araw noong Martes.

 

Read more...