Sen. Bong Go sa publiko: Don’t panic!

By Jan Escosio January 15, 2022 - 12:03 PM

Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na walang dahilan para mag-panic ang mamamayan sa patuloy na pagdami ng mga nagkakahawaan ng COVID 19 sa bansa.

Kinakailangan aniyang manatiling nakaantabay ang lahat, bukod pa sa ibayong pag-iingat at pagsunod sa inuutos ng gobyerno.

“We should remain vigilant as we continue to battle COVID-19. Huwag tayo magkumpyansa. Kailangan ng disiplina at kooperasyon para malampasan ang krisis na ito,” aniya.

Bilin din nito ang pagsunod sa quarantine protocols at hindi dapat isugal ang sarling kalusugan, gayundin ng mga kapwa lalo na’t kumakalat ang Omicron variant.

“Ang public health ay responsibilidad nating lahat at hindi lamang ng gobyerno, kaya gawin natin ang ating parte upang tuluyan na nating malampasan ang pandemya. Kung may nararamdaman kayo, mas mabuting iwasan na ang paglabas ng bahay para wala nang mahawaan pang iba. Alagaan ang sarili at sundin lamang ang payo ng health experts,” ang payo ng chairman ng Senate Committee on Health.

TAGS: BongGo, COVIDpandemic, InquirerNews, RadyoInquirerNews, BongGo, COVIDpandemic, InquirerNews, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.