Sen. de Lima, naalarma sa pagpapalista ng DILG sa mga hindi bakunado
Nangangamba si Senator Leila de Lima na maabuso ng mga awtoridad ang makukuhang impormasyon ng barangay sa mga hindi pa bakunado ng COVID-19 sa kanilang lugar.
“I have serious concerns on DILG’s directive for barangays to make a list of the unvaxxed, as it has high potential for privacy rights and other human rights violations, especially given how this administration weaponized so-called ‘drug lists’ as ‘Tokhang lists,” ayon kay de Lima, na dating pinamunuan ang Commission on Human Rights.
Dapat aniya ang lahat ng polisiya ukol sa pagharap ng gobyerno sa pandemya ay alinsunod sa pagrespeto sa mga karapatang pantao.
Ayon kay de Lima, inilabas ng DILG ang memorandum circular matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na aarestuhin ang mga tatanggi pa rin na magpabakuna.
“Ang nakalulungkot, kung kailan kailangan nating magkaisa ay saka pa magsasalita ang Pangulo nang padalos-dalos, by recklessly ordering the arrest of the unvaccinated who leave their houses,” dagdag pa ng senadora.
Giit niya, ang pakikidigma sa COVID-19 ay hindi mapapagtagumpayan ng karahasan at aniya, ang sakit ay matatalo sa pamamagitan ng pagkakaisa ng lahat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.