Sen. Gatchalian: Pagtaas ng statury rape age, proteksyon sa child abuse

By Jan Escosio January 15, 2022 - 09:19 AM

Sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian na kailangan nang itaas ang statutory rape age para lubos na maprotektahan ang mga batang Filipino laban sa karahasan at pang-aabuso.

Kasunod ito nang pagpirma ng Republic Act 11596 na nagbabawal sa child marriages.

Ayon kay Gatchalian, noong nakaraang taon, pinagtibay na ng Kongreso ang bicameral conference committee report para maitaas sa 16 mula sa 12 ang statutory rape age.

“Kung maisasabatas sa lalong madaling panahon ang pagtaas ng statutory rape age, mas mapapaigting natin ang mga hakbang upang tuluyang masugpo ang mga child marriages sa ating bansa. Ang mga kabataan ay dapat patuloy na nag-aaral at hindi nagpapakasal sa murang edad. Napapanahon nang masugpo natin ang ganitong uri ng pang-aabuso at karahasan,” aniya.

Base sa United Nations International Childdren’s Emergency Fund (UNICEF), pang-12 ang Pilipinas sa pinakamadaming bilang ng child marriages sa buong mundo.

Binanggit din ni Gatchalian na dahil sa pandemya, posible na 10 milyon pang bata ang ikakasal sa pagtatapos ng dekada.

Mula din sa 755 noong 200, lumubo sa 2,411 ang mga nanganak na may edad 10 hanggang 14 noong 2019.

TAGS: InquirerNews, RadyoInquirerNews, statury rape age, WinGatchalian, InquirerNews, RadyoInquirerNews, statury rape age, WinGatchalian

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.