37,207 na record-high COVID-19 cases, naitala sa Pilipinas
Patuloy pa rin ang pagtaas ng mga kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang 4:00, Biyernes ng hapon (January 14), 37,207 ang naitalang bagong kaso sa loob ng isang araw. Ito ay highest single-day tally sa bansa.
Dahil dito, pumalo na sa 3,129,512 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 265,509 o 8.5 porsyento ang aktibong kaso.
8,325 rito ang asymptomatic o walang sintomas, 252,502 ang nakararanas ng mild symptoms, 2,913 ang moderate, 1,469 ang severe, habang 300 naman ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 81 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 52,815 o 1.69 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 9,027 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 2,811,188 o 89.8 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.