Sen. Angara: May sapat na pondo para sa mass testing, contact tracing sa 2022 budget

By Jan Escosio January 14, 2022 - 03:06 PM

Manila PIO photo

Sa dagsa ng mga mamamayan sa testing centers, sinabi ni Senator Sonny Angara na kung ang COVID-19 tests ay gagawin sa laboratoryo ng gobyerno, ito ay dapat libre.

Pagdidiin ni Angara, may sapat na pondo na nakapaloob sa 2022 national budget para sa libreng COVID-19 testing sa mga Filipino na walang maibabayad sa mga pribadong laboratoryo.

Ipinunto pa ng chairman ng Senate Committee on Finance na ang P17.85 bilyong inilaan sa COVID-19 Laboratory Network Commodities ay maaring magamit sa free mass testing.

“The Senate pushed for the allocation of bigger amounts for COVID testing—knowing fully well that we are still in a pandemic and the new, faster spreading variants continue to emerge,” aniya.

Dagdag pa nito, dahil marami sa mga nagkakasakit ay walang sintomas na nararanasan napakataas ng posibilidad na mas marami pa ang nahahawa ng COVID-19 at hindi nila alam na taglay na nila ito.

“Kaya mahalaga sa panahon na ito na lahat ng nagkakasakit—maging simpleng sipon man ito o ubo at lagnat ay sumailalim sa testing. Kahit walang sintomas pero may exposure sa may sakit ay mas maiging magpa test. Iniiwasan natin dito ang pagkalat ng virus at matamaan ang mga taong may comorbidities,” sabi pa ni Angara.

Panawagan lang niya sa DOH ay agad na i-download sa mga laboratoryo ang pondo.

TAGS: 2022budget. 2022nationalbudget, COVIDtesting, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SonnyAngara, 2022budget. 2022nationalbudget, COVIDtesting, InquirerNews, RadyoInquirerNews, SonnyAngara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.