PNP, nakapagtala ng 548 pang kaso ng COVID-19
Nasa 548 ang bagong napaulat na pulis na tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Sa datos ng PNP Health Service hanggang sa araw ng Biyernes (January 14), 45,028 na ang confirmed COVID-19 cases sa hanay ng pambansang pulisya.
Sa nasabing bilang, 3,766 ang aktibo pang kaso.
44 namang pulis ang gumaling sa nakakahawang sakit.
Dahil dito, 41,137 na ang total recoveries sa hanay ng PNP sa naturang sakit.
Wala namang bagong napaulat na nasawi sa PNP dahil sa COVID-19.
Bunsod nito, 125 pa rin ang COVID-19 related deaths sa pambansang pulisya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.