NCR mananatili sa Alert Level 3 hanggang sa Enero 31

By Chona Yu January 14, 2022 - 01:15 PM

Mananatili sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) hanggang sa katapusan ng Enero.

Ito ay dahil sa nanatiling mataas ang kaso ng COVID-19 sa NCR.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesperson Karlo Nograles, nagkasundo ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na panatilihin ang Alert Level 3 sa NCR mula Enero 16 hanggang 31.

Sa ilalim ng Alert Level 3, maaring ipatupad ng local government units angĀ  intrazonal and interzonal travel.

Una nang ipinaatupad ang Alert Level 3 sa NCR simula noong Enero 3.

 

 

TAGS: Alert Level 3, COVID-19, IATF, Karlo Nograles, National Capital Region, Alert Level 3, COVID-19, IATF, Karlo Nograles, National Capital Region

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.