P42 bilyon gagastusin ng pamahalaan sa libreng COVID-19 mass testing
Aabot sa P1.4 bilyon kada araw ang gagastusin ng pamahalaan kung magsasagawa ng libreng COVID-19 mass testing.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, nasa P42 bilyon ang magagastos ng pamahalaan kada buwan kung itutuloy ang mass testing.
Ayon kay Duque, sa halip na gugulin ang pondo sa mass testing, mas makabubuting ilaan ang pera sa ibang proyekto.
Halimbawa na ayon kay Duque na ilagay ang pondo sa benepisyo ng mga healthcare workers o ipang-ayuda sa mga komunidad na maapektuhan ng granular lockdown.
Makikipagpulong aniya ang DOH sa Department of Finance at Department of Budget and Management para talakayin ang special risk allowance ng mga healthcare workers sa taong 2022.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.