Trabaho sa DOLE suspendido sa Enero 14 hanggang 17

By Chona Yu January 14, 2022 - 08:28 AM

Suspendido ang trabaho sa Department of Labor and Employment head office sa Intramuros, Manila at sa National Capital Region regional office sa Enero 14 hanggang 17, 2022.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, ito ay dahil sa dami ng mga empleyado na tinamaan ng virus.

Magbabalik operasyon aniya ang kanilang tanggaoan sa araw ng Martes, Enero 18.

Ayon kay Bello, nasa 128 na empleyado ngD OLE ang nag-positibo sa COVID-19.

Inatasan n ani Bello ang iba pang tanggapan ng DOLE at ng mga attached agencies na magpatupad ng alternative work setup pati na ang work from home.

 

TAGS: COVID-19, DOLE, Labor Secretary Silvestre Bello III, news, Radyo Inquirer, suspendido, COVID-19, DOLE, Labor Secretary Silvestre Bello III, news, Radyo Inquirer, suspendido

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.