Claimant ng kargamento na naglalaman ng shabu, marijuana naaresto
Naaresto ng Bureau of Customs – Port of Clark ang claimant ng kargamento na naglalaman ng Methamphetamine Hydrochloride o shabu at marijuana sa Quezon City noong January 12, 2022.
Katuwang ng BOC sa ikinasang controlled delivery operation ang PDEA, CAIDTF, ESS, XIP, at CIIS.
Unang idineklara ang kargamento bilang “pens” mula sa Henderson, Nevada, USA.
Nang isailalim sa physical examination, tumambad ang walong piraso ng Expo Marker Pens, isang pang pack ng Dart Flights, isang pack ng magazine na may label na “Pop Boys”. Selyado nito ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu at isang plastic na may label na “black label brand” ng hinihinalang liquid marijuana.
Nagdala ng samples sa PDEA para sa chemical laboratory analysis at dito nakumpirma ang presensya ng shabu at marijuana.
Agad naglabas si District Collector Alexandra Lumontad ng Warrant of Seizure and Detention against laban sa kargamento dahil sa paglabag sa Sections 118 (g), 119 (d), at 1113 par. f, i & l (3 & 4) ng Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) na may kinalaman sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tinatayang nagkakahalaga ng P90,000 ang nakumpiskang ilegal na droga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.