COVID-19 vaccination rate sa SJDM, Bulacan umabot na sa 82.89 porsyento

Photo credit: Mayor Arthur Robes/Facebook

Umabot na sa 82.89 porsyento ang COVID-19 vaccination rate sa San Jose Del Monte City, Bulacan.

Sa datos hanggang January 11, 2022 nabakunahan sa SJDM ang 375,278 katao sa target population nito, kung saan 424,680 o 93.80 porsyento ang nakatanggap ng kanilang first dose, at 38,178 naman ang may booster shot na.

Ayon kay SJDM Rep. Florida “Rida” Robes, bunga ito ng malawakang vaccination and information drive na ikinasa sa naturang bayan simula pa noong 2021.

“Mayor Arthur Robes has implemented ways to push up vaccination. We have night vaccination for workers and we go house to house to reach those who are unable to travel our vaccination sites,” saad nito.

Kasunod nito, umapela ang mambabatas sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na magsagawa ng panibagong batch ng massive vaccination drive upang mahinto ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng nakahahawang sakit.

“We need to have another massive vaccination drive like what we had last year when we allotted three days to ramp up inoculating at least 9 million people all over the country,” saad ng kongresista.

Dagdag nito, “The Filipino people should be given sufficient access to life-saving vaccines to give them better protection against Covid-19, especially the highly transmissible Omicron variant.”

Sa datos hanggang January 11, 2022, nakapagbigay na ng 115 million doses ng COVID-19 vaccines sa bansa; kung saan 58 million ang nakatanggap ng first dose, mahigit 53 million ang fully vaccinated, at 3.8 million ang nabigyan na ng booster shots.

Sa nasabing bilang, sinabi ni Robes na 47.9 porsyento ng mga Filipino ang fully vaccinated kung kaya’t mahaba pa ang kailangang ilaan na panahon para maabot ang 70 porsyentong herd immunity sa bansa.

“On the average only more than 300,000 doses are being administered daily so we need to again ramp up vaccination in order to achieve herd immunity much earlier,” pahayag nito.

Read more...