Biyahe sa beach resort sa Misamis Oriental nauwi sa trahedya, 12 patay

By Jan Escosio January 13, 2022 - 11:05 AM

Ang kinapanabikan na masayang outing ay nauwi sa hinagpis nang maaksidente ang isang delivery truck at nagresulta ito sa pagkamatay ng 12 sa Balingasag, Misamis Oriental.

Base sa ulat na nakarating sa Camp Crame, patungo sa isang resort sa bayan ng Langonlong ang truck (AAR 6998) na sinasakyan ng 43 biktima na mawalan diumano ito ng preno at tumihaya sa gilid ng kalsada.

Nangyari ang aksidente sa bahagi ng national highway sa Barangay Baliwagan alas-9:30 ng umaga ng Miyerkules.

Nabatid na tumilapon pa ang ilan sa mga biktima, na mga manggagawa at mga pamilya.

Ang walo sa mga biktima, na pawang residente ng bayan ng Claveria, ay agad namatay at ang mga sugatan naman ay dinala na sa mga pagamutan, kung saan may apat pa ang binawian ng buhay.

Kabilang sa mga nasugatan ang 31-anyos na driver na si Junryl Cagmat, samantalang ang may-ari naman ay nakilalang si Nora Ochigue, ng bayan ng Claveria.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.