Omicron mapanganib sa mga hindi bakunado – WHO

By Jan Escosio January 13, 2022 - 10:17 AM

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na mapanganib ang Omicron variant lalo na sa mga walang bakuna laban sa COVID 19, ayon sa World Health Organization (WHO).

“While Omicron causes less severe disease than Delta, it remains a dangerous virus — particularly for those who are unvaccinated,” sabi ni WHO chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Aniya ang nangyayaring global surge ng sakit ay bunga ng Omicron, na sinasabing mas mabilis maihawa kumpara sa Delta variant.

Noong nakaraang linggo, higit 15 milyong bagong kaso ang naiulat sa WHO at hinihinala na milyong-milyon pa ang hindi nasama sa datos.

Samantala, hindi naman sinang-ayunan pa ng ahensiya ang mga suhestiyon na ang Omicron ay ang simula na ng katapusan ng COVID 19.

Pagdidiin ng WHO na kinakailangan pa rin patuloy na mag-ingat sa pakikiharap sa nakakamatay na sakit.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.