Sa ‘No Vax, No Ride’ policy sa NCR, Sen. Lacson tinanong kung sapat ang suplay ng bakuna

Hindi makatarungan sa mga nais mabakunahan ngunit walang bakuna ang ‘No Vaccine, No Ride’ policy ng Department of Transportation (DOTr).

Ito ang ipinagdiinan ni Sen. Panfilo Lacson at ang kanyang tanong ay kung may sapat na suplay ng bakuna para sa mga nais naman maturukan ng proteksyon laban sa COVID 19.

“First, it begs the question – are there enough vaccine doses available even for the willing? If not, it’s unfair,” diin ng presidential aspirant ng Partido Reporma.

Nabanggit pa nito na tila pagpaparusa ang naturang polisiya ng gobyerno  dahil maapektuhan ang kabuhayan at paghahanapbuhay ng maraming pang hindi bakunado.

Ngunit sabi ni Lacson ibang usapan na rin kung sapat ang suplay ng bakuna at ayaw pa rin magpaturok dahil aniya may karapatan din naman ang iba pa pag-ingatan at pangalagaan ang kanilang kalusugan.

 

Read more...