28 lugar isasailalim sa Alert Level 3

By Chona Yu January 12, 2022 - 07:24 PM

PCOO photo

Nadagdagan pa ang bilang ng mga lugar na isasailalim sa Alert Level 3 dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Ayon kay Cabinet Secretary at acting presidential spokesman Karlo Nograles, isasailalim sa Alert Level 3 ang Benguet, Kalinga at Abra sa Cordillera Administrative Region; La Union, Ilocos Norte at Pangasinan sa Region 1; Nueva Vizcaya, Isabela at Quirino sa Region 2; Nueva Ecija at Tarlac sa Region 3; Quezon Province sa Region 4A; Occidental Mindoro at Oriental Mindoro sa Region 4B; at Camarines Sur at Albay sa Region 5 sa Luzon.

Sa Visayas region, isasailalim sa Alert Level 3 ang Bacolod City, Aklan, Capiz at Antique sa Region 6; Cebu City at Mandaue City sa Region 7; at Tacloban City sa Region 8.

Sa Mindanao, isasailalim sa Alert Level 3 ang Cagayan de Oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; Butuan City at Agusan del Sur sa CARAGA; at Cotabato City sa BARMM.

Mananatili naman sa umiiral na Alert Level classification ang natitirang bahagi ng bansa.

Ayon kay Nograles, magiging epektibo ang bagong alert level classification sa January 14 hanggang 31, 2022.

TAGS: AlertLevel, BreakingNews, InquirerNews, KarloNograles, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews, AlertLevel, BreakingNews, InquirerNews, KarloNograles, RadyoInquirerNews, TagalogBreakingNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.