Stocks ng China Mobile, bumagsak dahil sa China Telecom

By Jan Escosio January 12, 2022 - 06:03 PM

Itinuturo ang nakakadismayang performance ng China Telecom na dahilan ng pagbagsak ng stocks ng China Mobile.

Base sa inilabas na A-share ng IPO results na inilabas ng China Telecom, na may 40-percent stake sa Dito Telecommunity, nag-aalok na ito ng stocks na mas mababa sa issue price.

Sa public notice ng China Mobile ang unpaid A-shares online trade ay maihigit sa 12.91 million shares na tinatayang $19 million na may katumbas na 743 million yuan, habang ang unpaid offline trade naman na nasa mahigit 220,000 shares na $2.03 million o 12.7 million yuan.

May kabuuan itong 756 million yuan ($121 million), na mas mataas sa 653 million yuan o tinatayang $100 million na naunang iniulat mula sa China Postal Savings Bank Co., Ltd. noong Disiyembre 2019, kaya isa itong bagong rekord.

Una nang inalis sa New York Stock Exchange ang China Mobile, China Telecom at China Unicom, ang Top 3 telco ng China base sa utos ni dating US President Donald Trump.

Humingi ng rekonsiderasyon ang China Mobile ngunit hindi ito pinagbigyan.

TAGS: ChinaTelecom, ChinaTelecom

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.