2022 lab network fund, gamitin sa COVID-19 mass testing – Sen. Villanueva
Hinimok ni Senator Joel Villanueva ang gobyerno na gamitin na ang P7.92 bilyong 2022 COVID-19 Laboratory Network fund para sa pagsasagawa ng mass testing sa gitna ng dumadaming bilang ng nagkakasakit.
Aniya, dapat ay ibigay na sa public health facilities ang pera para makaagapay sa pagdami ng mga kinakailangang sumailalim sa COVID-19 testing.
“Public hospitals and clinics need to buy and stock up on testing kits and laboratory commodities,” aniya.
Dagdag pa ng senador, dapat itrato ang pangangailangan sa testing tulad ng kahalagahan ng bakuna.
Babala niya, ang hindi paggamit ng naturang pondo na kasama sa budget ng Department of Health (DOH) sa taong 2022 ay maaring maituring na ‘underspending.’
Maari din naman aniyang ipa-‘reimburse’ ito sa PhilHealth.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.