Brgy. officials, inatasan ng DILG na ilista ang mga hindi pa bakunado vs COVID-19
Inatasan na ni Interior Secretary Eduardo Año ang mga barangay na ilista ang mga residenteng hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Sa Laging handa Public Briefing, sinabi ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya na ito ay bilang pagtalima sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagbawalang gumala ang mga hindi pa bakunado.
Ayon kay Malaya, kapag natapos na ang imbentaryo, maari nang maipatupad ng mga opisyal ng barangay at ng local government units ang “no vaccine, no labas” policy.
Sa ngayon, tatlong LGU na lamang sa Metro manila ang hindi pa nakagagawa ng ordinansa para pagbawalang gumala ang mga hindi pa bakunado. Ito ay ang Makati, Pasig at Navotas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.