Dating radio commentator, patay matapos barilin sa Tacurong City

By Angellic Jordan January 12, 2022 - 03:49 PM

Patay ang dating radio commentator na si Jaynard Angeles sa Tacurong City, Miyerkules ng umaga.

Base sa mga ulat ng pulis, binaril ang dating station manager ng Radyo ni Juan Tacurong habang pinapasuri ang kaniyang van sa isang auto repair shop sa bahagi ng Barangay New Carmen.

Sakay ng motorsiklo, nakatakas ang dalawang hindi pa nakikilalang gunman.

Tatakbo sana si Angeles bilang konsehal sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat sa ilalim ng Partido Fderal Pilipinas sa 2022 elections.

TAGS: InquirerNews, JaynardAngeles, RadyoInquirerNews, Tacurong, InquirerNews, JaynardAngeles, RadyoInquirerNews, Tacurong

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.