P2,000 insentibo sa mga tindero na hindi pa bakunado vs COVID-19, ibibigay ni Mayor Belmonte

By Chona Yu January 12, 2022 - 02:57 PM

Photo credit: Quezon City government/Facebook

Bibigyan ng insentibo ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga tindero at tindera sa palengke para mahikayat na magpabakuna kontra COVID-19.

Ayon kay Belmonte, nilagdaan na niya ang isang memorandum para bigyan ng pabuya ang mga ambulant vendor, market vendor at market employee na magpapabakuna.

Ayon kay Belmonte, P2,000 ang insentibo.

“Most markets vendors cannot leave their stalls because of possible loss of income, so to encourage them to take a day off to get vaccinated, we will provide them with incentives,” pahayag ni Belmonte.

Kabilang sa mga mabibigyan ng insentibo ang Quezon City resident market vendors, market employees, at ambulant vendors na nagpabakuna noong January 8 hanggang 31, 2022.

Inatasan ni Belmonte ang Market Development and Administration Department (MDAD) na maghanda ng masterlist para sa mga kwalipikadong tindero at tindera sa pamamagitan ng nakaraang registration sa MDAD o pagpresenta ng vending permit, certification mula sa barangay o kilalang vendors’ association, at proof of residency sa Quezon City gaya ng QC identification card, barangay o voter’s identification card.

Isusumite ang listahan sa City Health Department para sa vaccination schedule.

Kapag naturukan na ng first dose, sinabi ni Belmonte na maari nang kunin ang financial assistance.

“This program is aimed at protecting both the market vendors and their customers who they come into close contact with every day. If they get vaccinated, we are protecting them from serious illness and improving the city’s overall immunity” pahayag ni Belmonte.

Binalaan naman ni Belmonte na paparusahan ang mamemeke ng dokumento para lamang makakuha ng financial assistance.

TAGS: COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, JoyBelmonte, QCincentive, RadyoInquirerNews, COVIDvaccination, COVIDvaccine, InquirerNews, JoyBelmonte, QCincentive, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.