Halos 2,000 tonelada ng relief goods, naihatid ng PCG sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette

PCG photo

Sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19, tuluy-tuloy pa rin ang paghahatid ng Philippine Coast Guard (PCG) ng mga ayuda sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Odette.

Matindi ang pinsalang idinulot ng nagdaang bagyo sa mga residente sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, at Caraga.

Sa datos hanggang Miyerkules, January 12, umabot na sa 1,343.4 na tonelada ng relief goods ang naibiyahe ng PCG vessels at air assets.

Napadala na rin ng PCGA aircraft at private vessels ang 593.5 na tonelada ng iba’t ibang suplay.

Dahil dito, nasa 1,936.9 na tonelada ng relief goods at critical supplies ang naibiyahe ng ahensya para sa rehabilitasyon ng iba’t ibang probinsya simula noong December 19, 2021.

Katuwang ng ahensya sa pamamahagi ng mga ayuda ang iba’t ibang lokal na pamahalaan.

Read more...