Mga hindi bakunado laban sa COVID-19, bawal nang gumala sa Maynila
Naglabas ng ordinansa ang lokal na pamahalaan ng Maynila na nagbabawal na gumala ang mga indibidwal na hindi pa bakuna kontra COVID-19.
Base sa Ordinance Number 8800 na iniakda nina Councilors Priscilla Marie Abante, Charry Ortega, Ernesto Isip Jr., at Joel Chua, papayagan lamang makalabas ng bahay ang mga hindi bakunado kung bibili lamang ng pagkain, gamot at iba pang pangunahing bilhin.
Bawal na kumain sa mga restaurant, mall at magtungo sa mga pasyalan.
Bawal sa mga domestic travel sa loob ng lungsod sa pamamagitan ng public transportation sa land, sea at air travel maliban kung bibili ng pagkain, tubig, gamot at iba pang pangunahing pangangailangan.
Bawal na rin pumasok sa mga tanggapan ng gobyerno, recreational parks, religious establishments, at iba pang kahalintulad na public areas.
Ang mga hindi bakunado na empleyado ng Manila City Hall ay kinakailangang sumailalim sa RT-PCR test kada dalawang linggo at sagot nila ang gastos.
P1,000 multa ang ipapataw para sa unang paglabag, P2,000 sa ikalawang paglabag at P5,000 at isang buwan na pagkakulong ang parusa para sa ikatlong paglabag.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.