Naitalang kaso ng COVID-19 sa mundo, nasa 313.93 milyon na

Reuters photo

Pumalo na sa 313.93 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 313,936,698 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 63,388,814 cases.

Sumunod na rito ang India na may 36,060,902 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 22,630,142 naman ang kaso sa Brazil habang 14,732,594 ang napaulat na kaso sa United Kingdom.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– France – 12,573,263
– Russia – 10,684,204
– Turkey – 10,117,954
– Italy – 7,774,863
– Germany – 7,631,453
– Spain – 7,592,242
– Argentina – 6,533,635
– Iran – 6,210,298
– Colombia – 5,380,841

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 5,520,740 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 261,622,898 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...