Inanunsiyo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) Philippines na higit 50 porsiyento na ng mga guro sa Metro Manila ang may sakit.
Ito ay base sa isinagawang survey ng ACT, araw ng Lunes (January 10), kung saan nalaman na 55.1 porsiyento ng mga guro ay sinasabing nakakaranas sila ng mga sintomas ng trangkaso kasabay nang pagdami pa ng mga kaso ng COVID-19.
Sa naturang survey, 46.6 porsiyento ng mga teachers-respondents at nagsabi na sila ay may sipon at 44.5 porsiyento naman ang may ubo.
Sa kabuuang bilang din ng mga maysakit, 84.7 porsiyento ang nagsabi na patuloy silang nagtuturo at gumagawa ng iba pang trabaho.
Ngunit, nababawasan na ang bilang ng mga nagtuturo na guro dahil marami rin sa kanilang mga estudyante ang may karamdaman.