P30-M halaga ng pekeng Biogesic at iba pang gamot, nakumpiska

Milyun-milyong buhay at kalusugan ang nailigtas nang masamsam ng mga awtoridad, sa pangunguna ng Bureau of Customs, (BOC) ang P30 milyong halaga ng mga pekeng gamot.

Kabilang sa mga nakumpiska ang hinahanap-hanap na Biogesic, Neozep gayundin ang Bioflu, Immunpro, Ivermectin, Phenokinon F Injection, Medicol, Planax, Alaxan FR at MX3.

Nadiskubre ang mga pekeng gamot sa magkahiwalay na bodega sa Highland St., Marcelo Green Village at Pearl St., Severina Subd., kapwa sa Barangay Marcelo sa ParaƱaque City.

Naaresto ang Pakistani national na si Adel Rajput, residente ng Caloocan City.

Sinabi ni Customs Deputy Comm. Raniel Ramiro na nakatanggap sila ng impormasyon na may mga pekeng gamot sa mga naturang bodega at ang mga ito ay ipagbibili na.

Noong nakaarang Nobyembre 24, isang bodega sa Pasig City ang sinalakay kung saan nasamsam din ang mga pekeng gamut tulad ng Alaxan, Tuseran Forte, Propan at Diatabs na nagkakahalaga naman ng P50 milyon.

Read more...