P30-M halaga ng pekeng Biogesic at iba pang gamot, nakumpiska
Milyun-milyong buhay at kalusugan ang nailigtas nang masamsam ng mga awtoridad, sa pangunguna ng Bureau of Customs, (BOC) ang P30 milyong halaga ng mga pekeng gamot.
Kabilang sa mga nakumpiska ang hinahanap-hanap na Biogesic, Neozep gayundin ang Bioflu, Immunpro, Ivermectin, Phenokinon F Injection, Medicol, Planax, Alaxan FR at MX3.
Nadiskubre ang mga pekeng gamot sa magkahiwalay na bodega sa Highland St., Marcelo Green Village at Pearl St., Severina Subd., kapwa sa Barangay Marcelo sa Parañaque City.
Naaresto ang Pakistani national na si Adel Rajput, residente ng Caloocan City.
Sinabi ni Customs Deputy Comm. Raniel Ramiro na nakatanggap sila ng impormasyon na may mga pekeng gamot sa mga naturang bodega at ang mga ito ay ipagbibili na.
Noong nakaarang Nobyembre 24, isang bodega sa Pasig City ang sinalakay kung saan nasamsam din ang mga pekeng gamut tulad ng Alaxan, Tuseran Forte, Propan at Diatabs na nagkakahalaga naman ng P50 milyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.