Sen. Pangilinan, Sharon Cuneta at mga anak, negatibo sa COVID-19

By Jan Escosio January 11, 2022 - 07:00 PM

Screengrab from @kikopangilinan/Twitter

Ibinahagi ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan na negatibo ang resulta ng pinakahuli niyang RT-PCR test.

Sinabi pa ni Pangilinan sa kanyang Twitter account na maging ang kanyang misis na si Sharon Cuneta, ang kanilang mga anak at iba pang kasama sa bahay ay negatibo din sa COVID-19.

Aniya, sinabi sa kanya ng kanyang kapatid na doktora na maaring ang una niyang resulta ay ‘false positive’ dahil lahat sila ay walang sintomas.

Kaya’t ipinagdiinan ni Pangilinan na kailangan ng libreng testing sa lahat para mas handa ang lahat sa pagharap sa nakakahawang sakit.

Sa ngayon, sina Senators Panfilo Lacson at Sherwin Gatchalian na lamang ang positibo sa sakit.

Nabatid naman na may ilang senador ang naka-self quarantine at naka-lockdown muli ang Senate building dahil sa madami sa mga kawani ang dinapuan ng sakit.

TAGS: COVIDnegative, FrancisPangilinan, FreeTesting, InquirerNews, KikoPangilinan, RadyoInquirerNews, RTPCR, SharonCuneta, COVIDnegative, FrancisPangilinan, FreeTesting, InquirerNews, KikoPangilinan, RadyoInquirerNews, RTPCR, SharonCuneta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.