Naniniwala si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na ang kakayahan ng mga kinauukulang opisyal ang dapat silipin matapos bumagsak na sa ‘critical risk classification’ ang Pilipinas bunga ng mabilis na paglobo ng kaso ng COVID 19.
Diin ni Sotto, naibigay na ng Kongreso, ang Senado at Kamara, ang lahat ng kinakailangan ng gobyerno, partikular na ang Department of Health (DOH), sa pagtugon sa pandemya.
“Its an issue of competence that they have to resolve,” sabi pa ng senador.
Samantala, sinabi ni Sen. Risa Hontiveros na dapat ay isentro ng DOH ang kanilang atensyon sa mga hindi napapaulat na COVID-19 cases sa halip na limitahan ang galaw ng mga tao.
Binanggit niya na may mga gumagawa ng self-testing at nagdesisyon na mag-self quarantine na lamang.
“Kailangan natin silang masuportahan habang nagpapagaling sa kanilang mga tahanan,” ayon sa senadora.